Ang tunay na sigaw ng sambayanang Pilipino!

Posted on July 9, 2006. Filed under: News |

Gamot na abot-kaya

Ni Nelson Badilla
Published on July 3- July 9, 2006 issue of PINAS

Ganito ang panawagan ng Fair Trade Alliance (FTA) kaugnay ng pakikiisa nito sa iba’t ibang organisasyong masa at indibidwal na kumikilos upang pababain ang presyo ng gamot.

Ani dating senador Wigberto Tañada, lead convenor ng FTA, kailangang magsama-sama ang iba’t ibang organisasyon at indibidwal upang mapagpasyahang resolbahan ang problema ng Pilipinas hinggil sa napakataas na gamot.

“Alam natin na puwede namang ibaba ang presyo ng mga gamot – kung maipatutupad lamang nang husto ang generics la, kung walang pang-aabuso sa paggamit ng patents ang malalaking drug companies, kung ang kaalaman sa gamot ay ‘di nagiging pag-aari ng iilan sa sobrang haba ng panahon, kung igigiit ng pamahalaan ang karapatan niyang umangkat ng murang gamot na kailangan para sa pampublikong kalusugan. Alam nating lahat na ang presyo ng mga gamot sa ating bansa ay puwedeng bumaba nang malaki at malawakan. Ayon sa pagsasaliksik, ang Pilipinas ay may pinakamahal na presyo ng gamot sa Asya, sunod lamang sa bansang Hapon. Halos 20 ulit na higit na mas mataas sa mga bansang India at Canada ang presyo ng gamot natin. Higit na mas mahal din  ang ating mga gamot kumpara sa ating mga kalapit-bansa sa Asya tulad ng Malaysia at Indonesia,” saad ni Tañada.

Idiniin ng dating mambabatas na ang sobrang taas ng presyo ng mga gamot ay nakapagbibigay ng matinding sakit kundi man ikinamamatay ng mga Pilipino. “Makita lamang ang presyo ng gamot, ipipikit na nila ang kanilang mga mata at magdadasal na lamang,” patutsada ni Tañada. “Hindi dapat maging ganito ang kapalaran ng ating mamamayan.

Kaya nga kumikilos ang FTA kasama ang iba pang organisasyon at indibidwal upang maiparating sa pamahalaan, mga mambabatas at negosyanteng dayuhan na pababain ang presyo ng mga gamot dito sa Pilipinas.

Tinuran ni Tañada na hindi dapat pahintulutan na patuloy na manaig ang pagiging siga at pananakot ng mga dayuhang kumpanya ng gamot dito sa Pilipinas “Dahil ang katotohanan ay nasa harap na nating lahat, hindi na tayo magpapalinlang at magpapasamantala pa sa kanila. Lalaban tayo, sama-sama.”

Advertisements

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: