Solons kinokontrol ang presyo ng gamot –AGAP

Posted on May 27, 2006. Filed under: News |

Published on May 27, 2006 issue of People’s Taliba
http://www.journal.com.ph/index.php?page=news&id=2993&sid=1&urldate=2006-05-27

Inakusahan ng isang consumer protection group ang ilang kongresista ng umano’y pagtanggap ng ‘grasya’ mula sa 20 hanggang 26 na multinational companies (MNCs) upang mapahintulutan ang mga kum-panya na presyuhan ang kanilang mga gamot ayon sa kanilang kagustuhan.

Ayon kay Raul Segovia ng Citizens Alliance for Consumer Protection (CACP) at miyembro ng grupong Ayos na Gamot sa Abot-Kayang Presyo (AGAP), sangkot umano ang ilang miyembro ng Kongreso sa pagkontrol ng presyo ng mga gamot sa pamilihan.

Ang AGAP ay inorganisa ng Fair Trade Alliance (FTA) at binubuo ng mga samahan at indibiduwal na nananawagan para sa pagpapababa ng presyo ng gamot.

Sa ulat mula sa World Trade Organization (WTO) meeting sa Geneva, lumilitaw na ilang pamahalaan sa buong mundo ang dumadaing sa patuloy na pagtaas sa presyo ng gamot at sinisi ang pagbibigay ng patents sa pharmaceutical drugs bilang pangunahing dahilan nito.

Sinabi naman ni Secretary Roberto Pagdanganan, ng Philippine International Trading Corporation (PITC), na bagamat maraming patents ng humigit-kumulang sa 85 porsiyento ng gamot sa bansa ang expired na, mataas pa rin ang presyo ng mga medisina dahil sa umano’y kartel.

Ayon pa kay Pagdanganan, ilang kumpanya ng gamot ang gumagamit ng ‘greening patent’ o modipikasyon ng kasalukuyang gamot na malapit nang mag-expire ang patent.

“Ginagamit nila ito upang magkaroon sila ng patent extension,” ani Pagdanganan sa paglulunsad ng AGAP kamakailan sa Philippine General Hospital (PGH) auditorium. Dahil dito, ang Pilipinas ang may pinakamataas na halaga ng gamot sa Asya, kasunod ng Japan.

Sinabi ng PITC na ang gamot na ibinebenta sa Pilipinas ay mataas ng 40 hanggang 200 porsiyento kumpara sa mga kalapit-bansa sa Asya.

Ito ay sa kabila ng umiiral na Generics Law na hindi naman umano lahat ay sumusunod.

Idinagdag pa ni Pagdanganan na tatlo sa limang Pilipinong nagkakasakit ay walang kakayanang magpakonsulta sa doktor o bumili ng gamot. Noong 2005, sinabi ni Pagdanganan na ang mga Pilipinong gumagastos para sa gamot ay bumaba ng 2.2 porsiyento habang ang presyo naman ng medisina ay tumaas ng 10 porsiyento.

Advertisements

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: